-- Advertisements --

Nais ng Iran na parusahan ang Israel dahil sa ginawa nitong airstrike na ikinasawi ng dalawa nilang top commanders sa Syria.

Mula kasi noong Oktubre 7 ng umatake ang Hamas militants sa Israel ay gumanti ang Israel Defense Forces sa mga Iranian at kaalyado nito.

Ang hakbang aniya ay bilang bahagi ng kampanya nila para masawata ang banta sa kanilang seguridad.

Ikinokonsidera ng Iran na ang ginawa na ito ng Israel ay paglabag sa international law.