-- Advertisements --

TEHRAN – Nagpatupad ng 10-araw na lockdown ang pamahalaan ng Iran dahil umabot na raw sa ikaapat na bugso ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

“Unfortunately, today we have entered a fourth wave,” ani President Hassan Rouhani.

Apektado ng lockdown ang 23 mula sa 31 probinsya ng bansa. Kabilang sa mga pinatawan ng mahigpit na protocol ang mga opisina, paaralan, sinehan, at sports facility.

Ayon kay Iran Health Ministry spokesperson Alireza Raisi, naka-ba din muna ang mga pagtitipon sa buong panahon ng Ramadan na magsisimula na sa Miyerkules.

Sinisi ng Iranian presidentsa B.1.1.7 variant, na unang natuklasan sa United Kingdom, ang pagtaas ng COVID-19 cases sa kanilang bansa.

Aminado rin ang pangulo na nakaapekto sa pagtaas ng kanilang mga kaso ng coronavirus ang pagluluwag sa biyahe, mga pagtitipon tulad ng kasal, at Iranian New Year holiday simula March 20.

Sa kasalukuyan, tinatayang 257 bayan at lungsod sa Iran ang naka-red alert dahil sa B.1.1.7 variant.

Itinuturing na epicenter ng COVID-19 pandemic sa Middle East ang Iran, na mayroon ng higit 2-million cases ng coronavirus at 64,000 na namatay.

Noong Pebrero, sinara ng bansa ang ilan sa mga border nito para mapigilan ang pagkalat ng tinaguriang UK variant. (report from Reuters)