Lumagda ang Iran sa isang kontrata sa Russia para sa pagsusuplay ng 40 turbines para matulungan ang gas industry nito sa kabila ng mga sanction ng West sa Moscow.
Ayon kay Iranian Gas Engineering and Development Company’s CEO, Reza Noushadi, sa kasalukuyan nasa 85% ng mga pasilidad at equipment ng gas industry ang itinayo sa Russia.
Hindi naman tinukoy ng opisyal kung kailan ipapadala sa Russia ang naturang mga turbines.
Una rito, matapos ang pagpataw ng economic sanctions ng Western sa naging opensiba ng Russia sa Ukraine, binawasan o itinigil muna ng Moscow ang pag-export ng oil supplies nito sa mga European nations dahilan para tumaas pa lalo ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ang Russia at Iran ang may hawak ng pinakamalaking gas reserves sa buong mundo na kapwa naman pinatawan ng sanctions ng Amerika.