CAGAYAN DE ORO CITY – Magagawa umano ng Iran na madepensahan ang sariling bakuran kung tatangkain ng Estados Unidos na magsagawa ng panibagong pang-aatake.

Ito ang inihayag ng Pinoy worker na si Al Hussien na taga-Mindanao pero nagtatrabaho sa Hom City kaugnay sa naramdamang galit ng Iran sa gobyerno ng Amerika dahil sa pagpaslang sa kanilang top military official na si Gen. Qassem Soleimani sa Iraq noong nakaraang linggo.

Inihayag ni Hussien sa Bombo Radyo na hawak din ng Iran ang high technology military hardware na magbibigay sa kanila ng matibay na depensa laban sa sinumang mananalakay sa kanila.

Inihalimbawa nito ang pagpapabagsak ng Iran sa multi-trillion dollar drone ng Amerika nang pumasok ito sa himpapawid na walang pahintulutan.

Nilinaw din ng Iranian government na hindi sila naghahanap ng gulo subalit idinedepensa lamang nila ang kanilang sarili.

-- Advertisement --

Una nang sinabi ng Iran na igaganti nila ang pagkamatay ni Qassem na tinitingala ng kanilang kababayan dahil sa malaking nagawa nito para sa sarili nila na seguridad laban sa mga teroristang al-Qaeda at Islamic State of Iraq and Syria.