Nauwi sa draw ang naging tapatan ng Egypt at Iran sa Seattle Stadium para sa Group G ng nagpapatuloy na FIFA World Cup.
Maagang nagpakawala ng goal ang The Pharaohs at sa ikalimang minuto pa lamang ng laban ay ipinasok na ni Mahmoud Saber ang unang home run.
Nagawa ito ni Saber sa pamamagitan ng isang magandang rebound shot mula sa kasamang striker.
Nagkaroon din ng magandang pagkakataon ang Iran na makatabla sa ika-sampung minuto ngunit hinarang ng goalkeeper ng Egypt na si Mostafa Shobeir ang penalty kick ng Iranian player na si Mehdi Taremi.
Hindi naman bumigay ang Middle Eastern team at tatlong minuto makalipas nito ay tinangka muli ng koponan na makapagpasok ng goal.
Sa ika-13 minuto ng laban, ipinasok ni Ramin Rezaeian ang equalizer goal mula sa isang mahirap na anggulo. Hindi naman ito nasalo ng Egyptian goalkeeper, at naitabla ang laban sa unang 13 minuto pa lamang ng match.
Sa kabila ng maituturing na ‘exciting’ na pagsisimula ng laban, hindi na nakapagpasok pa ang magkalabang koponan ng karagdagang goals.
Ito ay sa kabila pa ng mga serye ng atake sa second half, nanatiling matibay ang depensa ng dalawang koponan hanggang sa huling pito ng referee.















