Namaalam na ang 2-time champion na Uruguay sa FIFA World Cup 2026 matapos patalsikin ng powerhouse team na Spain, sa score na 1-0.
Ginanap ang laban sa Guadalajara Stadium, sa harapan ng Mexican football fans na umaasa ring makapasok sa susunod na round.
Naging matumal ang opensa sa simula, ngunit bago mag-halftime, nakuha ng Espanya ang swerteng pagkakataon. Sa ika-42 minuto ng laban, binitawan ni Álex Baena ang isang mahinang sipa na hindi naman nakontrol at tuluyang nadulas sa mga kamay ng 40-anyos na veteran goalkeeper ng Uruguay na si Fernando Muslera.
Natapos ang halftime na hindi na nakapagpasok ng goal ang alinman sa dalawang koponan.
Lalo pang nabaon ang Uruguay matapos dumanas ng matinding inury sa tuhod ang striker ng koponan na si Manuel Ugarte sa build-up ng goal.
Pagpasok ng extra time, tuluyan pang napa-alis sa laro ang Uruguayan striker na si Agustín Canobbio matapos makatanggap ng red card dahil sa pakikipag-sigawan sa game officials.
Nangyari ang insidente sa huling bahagi na ng laban, partikular sa ika-94 na minuto.
Dahil sa panalong ito, nakuha na ng Spain ang unang pwesto sa Group H na may 7 puntos, habang ang debutant team naman na Cape Verde ang umusad bilang second place.














