Binitay ng Iran ang isang lalaki na napatunayan umanong espiya ng Israel.
Ayon sa hukuman ng Iran, binitay si Mohammad-Amin Mahdavi Shayesteh nitong Lunes, June 23 dahil sa kaniyang intelligence cooperation sa Zionist regime, na itinatawag ng Iran sa Israel.
May koneksiyon umano si Shayesteh sa Foreign intelligence agency ng Israel na Mossad.
Nahatulan din siya ng pakikipagtulungan sa Iran International, isang Persian-language TV channel na nakabase sa London na kritikal sa gobyerno ng Iran. Ang naturang channel ay ikinokonsidera ng Iran na konektado sa Israel. Tinawag din itong teroristang organisasyon ng Iran authorities.
Samantala noong Linggo, inanunsiyo rin ng hudikatura ang pagbitay kay Majid Mosayebi, na nahatulan din ng pagiging ahente ng Mossad.
Inihayag ni judiciary chief Gholamhossein Mohseni Ejei na agad na papanagutin ang mga sangkot sa pagsuporta sa Israel at kakampi ng kalaban.
Base sa human groups, ang Iran ang pumapangalawang tinaguriang most prolific executioner so buong mundo kasunod ng China.