-- Advertisements --

Dalawang dams ang nagbukas ng kanilang gates nitong umaga para magpakawala ng tubig dahil sa malakas na buhos ng ulan bunsod ng Tropical Storm Pepito.

Alas-6:00 ng umaga nang buksan ng Ipo Dam sa Bulacan ang Gate 1 nito sa taas na 0.20 meters, ayon sa datos mula sa state weather bureau na Pagasa.

Sa kaparehong oras ay binuksan din ng Ambuklao Dam ang isa rin sa mga gates nito sa taas naman na 0.5 meters.

Hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, ang water level sa Ipo Dam ay nasa 101.05 meters, mas mataas kumpara sa normal high water level na 101 meters.

Samantala, ang Ambuklao Dam naman ay may 745.06 meters ang taas hanggang kanina ring alas-6:00 ng umaga.

Kaunti na lang ay masasagad na rin nito ang normal high water level na 752 meters.

Samantala, sinabi naman ng PAGASA Hydro-Meteorological Division na magpapakawala rin ng tubig ang Magat Dam sa Isabela mamayang ala-1:00 ng hapon.