-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagtakbo sa susunod na halalan sa Taiwan si ang founder ng IPhone maker Foxconn na si Terry Gou.
Ang 72-anyos na billoinaire na si Terry Gou ang siyang pinakabagong nasa listahan ng tatakbong sa pagkapangulo ng Taiwan.
Maraming mga political analyst ang nagsabi na sa siya lamang ang tanging kandidato na maaaring tumalo sa pamamayagpag ng Democratic Progressive Party (DPP).
Dahil umano sa kaniyang kandidatura ay mahahati sa tatlo ang boto ng mga taga-oposisyon sa halalan na gaganapin sa Enero 2024.
Isang oposisyon party na maglalaban sa Taiwan ay ang Taiwan People’s Party (TPP).