-- Advertisements --

Inirekomenda ng Isabela Provincial Health Office (IPHO) ang pagdeklara na ng ilang bayan at lunsod sa Isabela ng outbreak sa sakit ng dengue.

Ayon sa IPHO rekomemdasyon lamang a ng mayroong maari nilang gawin at nakasalalay pa rin sa mga LGU ang pinal na desisyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Nelson Paguirigan, Provincial Health Officer ng Isabela na nangunguna ang Ilagan City sa may pinamaraming kaso ng dengue sa Isabela na dahil malaki ang populasyon ng Lunsod.

Nanindigan ang IPHO na hindi sila nagpapabaya at katuwang nila ang mga LGU sa paglalatag ng mga hakbang laban sa sakit na dengue.

Gayunman ay tumaas pa sa 2,934 ang kaso ng dengue sa Isabela noong Hulyo na mas mataas kumpara sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay Dr. Paguirigan, ilan lamang sa mga maaring magdeklara ng dengue outbreak ang Ilagan City, Cauayan City at mga bayan ng Alicia, San Mariano, Tumauini, Gamu, San Mateo, Jones, Roxas at Quezon dahil sa pagkakaroon ng mataas na kaso sa nakalipas na limang taon gayunman nakasalalay pa rin ito sa mga LGU ang pagdedeklara nito.