-- Advertisements --

Personal na binisita muli ni International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach ang Ukraine.

Nakipagpulong din ito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Kyiv.

Ilan sa mga tinalakay nila ay ang pagkumusta sa mga atleta ng Ukraine at kung ano ang maaaring tulong na maibigay nila sa mga ito.

Nakasalamuha din ni Bach ang nasa 100 mga atleta mula sa Ukrainian team sa Olympic Training Center.

Pinakinggan ng IOC ang mga hinaing ng mga atleta na agad naman nitong tinutugunan.

-- Advertisement --