-- Advertisements --
PEZA

Iniulat ng Philippine Economic Zone Authority ang pagtaas ng investment ng bansang Germany sa Pilipinas

Batay sa datos ng naturang ahensya, umaabot na sa 40 ang bilang ng mga rehistradong German companies na namumuhunan dito sa bansa.

Ang mga nasabing kompanya ay nakapag-ambag ng na $412.66million na investment. Ito ay katumbas ng P42.865 billion.

Ang naturang investment ay naging daan sa pagkakabuo ng kabuuang 21,005 na trabaho.

Samantala, hawak naman ng mga German firms ang hanggang 1.57% ng kabuuang investment sa ilalim ng Philippine Economic Zone.

Nauna nang iniulat ng kagawaran ang pagdami pa ng bilang ng mga german investors na nagnanais mamuhunan sa bansa.