-- Advertisements --
Dumating na sa bansa ang 16-member Interpol contingent kagabi.
Dumating ang 16-man team mga alas 10:05 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1.
Ang mga ito ang siyang mag-escort sa mga Japanese fugitives na nakatakdang e-deport sa Pilipinas.
Temporaryo munang mananatili sa lounge ng Japan Airline sa Terminal 1 ang mga ito hanggang ngayong araw ayon sa Japan embassy officials.
Nauna nang lumabas ang ulat na sangkot sa sunod sunod na krimen sa Japan ang mga Japanese fugitives na kasalukuyang naka-detain sa Immigration Detention Center sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.