Higit na pinag-uusapan ngayon sa internet ang Pinay weightlifter at Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz, kaysa sa iba pang manlalaro sa tinaguriang “greatest show on earth.”
Ayon sa Facebook, nalagpasan ng Pinay athlete ang iba pang players na dating namamayagpag sa social media na sina American gymnast Simone Biles at Brazilian skateboarder Rayssa Leal.
Maging sa photo sharing app na Instagram ay isa rin si Diaz sa pinag-uusapan.
Natukoy naman na sa Pilipinas mas nababanggit ang Olympics, kaysa sa United States at India.
Sikat naman sa Brazil at iba pang bansa ang skateboarder na si Margielyn Didal.
Bunsod ito ng masayahing “aura” ni Didal kahit hindi nasungkit ang inaasam na medalya.
Naging huwaran din ito para sa iba dahil sa kaniyang sportsmanship at pagiging masaya para sa tagumpay ng mga kapwa niya atleta.