-- Advertisements --
ausg

Ikinatuwa ng mga estudyante sa Adamson University ang alok nitong Internet Connectivity Program bilang tulong sa mga mag-aaral ng nasabing unibersidad.

Sa Facebook post ng Adamson University Student Government (AUSG), nakalagay dito ang mga hakbang na kailangang sundin ng mga Adamsonians na nagnanais mag-avail ng libreng programa.

Malayang makakapamili ang mga estudyante kung anong internet service provider ang nais nilang kunin. Kakailanganin din nilang ilagay ang kanilang active mobile number dahil ito ang lalagyan ng data allowance kada ika-25 ng buwan.

Sa oras naman na maubusan ng load ang mag-aaral bago ang nasabing petsa ay dapat silang tumawag sa Business Affairs Office ng unibersaidad o mag-email sa adustore@adamson.edu.ph para mabigyan ng karagdagang data allowance.

Tanging ang dagdag data allowance lamang ang kailangang bayaran ng estudyante.

Isa ito sa mga hakbang na naisip ng unibersidad upang hindi maging hadlang sa pag-aaral ang internet connectivity ng kanilang mga estudyante.