Magbibigay ng $6.5 million na tulong sa mga atleta ang FINA, ang International Federation ng swimming.
Ito ay para sa paghahanda ng mga atleta sa kanilang pagsabak sa Tokyo Olympics.
Ayon sa FINA, nais nilang tulungan ang mga atleta par sa kanilang pagsasanay at sa kanilang competitive opportunities dahil sa pandemic.
Sa nasabing plano mayroong $4 million ang ilalaan para sa 160 national federations sa pagsuporta sa atleta sa kanilang gastos sa pagsasanay, competitions para sa susunod na taon.
Habang ang $2million ay ibibigay bilang suporta sa 100 scholarships sa atleta na walang Olympic qualifying standards para sa paghahanda sa national o continental centers.
Suportado rin ng FIAN ang regional bases sa Russia, Senegal, Thailand at United States.