-- Advertisements --

Nanawagan ang international rescue teams ng mas maraming mga tulong para tuluyang mahanap ang mga bangkay ng mga biktima matapos ang pananalasa ng malawakang pagbaha sa Derna, Libya.

Sa mahigit na isang linggo kasi ay sinabi ng mga rescuers na karamihan aniya sa mga biktima ay inanod na ng tubig at kailangan ng espesyal na kagamitan para makuha ang mga ito.

Nahirapan din ang ilang mga rescue groups ng UAE, Egypt at Algeria na maabot ang ilang mga bangkay dahil sa kailangan na gumamit ng mga makabagong bangka para mapuntahan ang nasabing lugar.

Magugunitang sa bilang na inilabas ng United Nations na umabot na sa 11,300 ang nasawi habang mayroong 10,100 pa ang nawawala.

Inaasahn na tataas pa ang bilang ng mga nasawi hanggang hind pa nababawi ang ilang mga bangkay.