Nanawagan si International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach sa mga bansa na ihiwalay ang pamumulitika sa pampalakasan.
Ito ay ang kasunod ng plano ng IOC na isama na ang mga atleta ng Russia at Belarus sa 2024 Paris Games.
Sinabi nito na kapag ang pulitika ang magdesisyon sa mga kumpetisyon ay lalabas na magiging kasangkapan na lamang ang mga atleta at sports.
Una kasi humiling ang Ukraine na dapat huwag isama ang mga atleta ng Russia at Belarus dahil sa ginawa nilang paglusob sa kanilang bansa isang taon na ang nakakaraan.
Sinuportahan ito ng US at 30 mga bansa ang panukala ng Ukraine na ipagbawal ang nabanggit na mga atleta.
Magugunitang inilatag ng IOC na papayagan lamang nilang makilahok ang mga Russian at Belarus athletes basta gumamit lamang sila ng mga neutral na bandila.