Dumalo ang kinatawan mula sa Embahada ng Japan sa Pilipinas sa isinagawang interagency conference kaugnay sa kumalat na bomb threat na ipinadala sa mga ahensiya ng gobyerno ng PH matapos ma-trace ito mula sa Japan.
Kinumpirma naman ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na humiling na ang naturang kinatawan ng Japanese embassy ng internal investigation sa Japan.
Ayon pa kay CICC Executive Director Alexander Ramos, ipinarating na ng ahensiya ang nangyari at kanila ring ipinakita ang resulta ng nakalap na emails na nagpapakita na nagmula sa parehong suspek na nasa likod din ng panlolokong may bombo threat sa MRT 3 noong nakalipas na taon.
Matatandaan na noong araw lamang ng Lunes, nakatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng isang email mula sa isang nagpakilalang Japanese lawyer na si Takahiro karasawa ang 6 na ahensiya ng gobyerno kabilang ang Departments of Energy, Tourism, Environment and Natural Resources, Information and Communication Technology, Transportation, Education, maging ang Commission on Audit.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakatanggap mg bomb threat ang government agencies sa pamamagitan ng email mula sa parehong indibidwal.
Samantala sinabi ng CICC na noong 2021, nagsagawa na ang Japan ng imbestigasyon para lumantad ang totoong Takahiro Karasawa na nasa likod umano ng bomb threat hoax subalit itinanggi nito ang pagpapadala ng mga email at ito umano ay isang stilen identity.
Hindi rin malinaw kung ano ang motibo at nasyonalidad ng nagpapadala ng bomb threat. (With reports from Bombo Everly Rico)