Naniniwala si PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na gumagana ang internal cleansing sa kanilang hanay.

Patunay dito ang pagbaba raw ng bilang ng mga pulis na involved o sangkot sa kriminalidad.

Sinabi ni Dela Rosa na batay sa datos ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) bumaba na rin ang bilang ng mga tawag at text na kanilang natatanggap na kinasasangkutan ng mga police scalawags.

“We can say that our internal cleansing program is working,” wika ni Dela Rosa.

Nagbabala naman si Dela Rosa  sa mga natitira pang police scalawags sa kanilang hanay na hindi siya titigil na habulin ang mga ito.

Umaasa si PNP chief na magbabagong buhay na ang mga pasaway na pulis.

Samantala, desidido si Dela Rosa na linisin ang kanilang hanay mula sa mga police scalawags dahil ang mga ito ang nagbibigay ng negatibong imahe sa PNP organization.