GENEVA, Switzerland – Nilalakad na raw ng World Health Organization (WHO) ang mga dokumento para sa internal approval ng isa sa mga bakuna kontra COVID-19 na dini-develop ng China.
Ayon kay WHO assistant director general Mariangela Simao, aktibo ang koordinasyon ng kanilang headquarters at opisina sa China para mailatag sa regulatory authorities ang mga kinakailangang requirements.
“We are in direct contact, we have been sharing information and the requirements for international approval of vaccines,” ani Simao sa isang press briefing.
Nitong Linggo nang ianunsyo ng Chinese biopharmaceutical company na Sinovac Biotech Ltd na 90% ng kanilang empleyado at pamilya ang tinurukan na ng kanilang dinevelop na bakuna.
Ginawa ang hakbang sa alinsunod sa emergency program na inilunsad ng China noong Hulyo.(Reuters)