-- Advertisements --
Patay ang tatlong mataas na opisyal ng Ukraine matapos bumagsak ang helicopter na sinakyan nila.
Aabot sa 14 ang sakay ng helicopter kasama si Interior Minister Denys Monastyrsky at ang kaniyang deputy minister at state secretary at isang bata.
Naganap ang insidente sa Brovary ilang minuto mula ng ito ay lumipad.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng helipcopter.
Si Monastyrsky na siyang pinakamatagal na political adviser ni President Volodymyr Zelensky ang pinakamataas na opisyal ng Ukrain na nasawi mula ng lumusob ang Russia noong Pebrero 2022.










