-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 11 17 50 46
IMAGE | Kaliwa River/PNA

Muling dinepensahan ng ilang finance officials ang utang ng Pilipinas sa China kasunod ng pambabatikos dito ng ilang kritiko ng administrasyon.

Sa isang press briefing nitong araw iginiit ni Finance Asec. Tony Lambino na maliit lang na maituturing ang 2 to 3-percent na interest rate ng loan deals mula Beijing.

Batay sa record ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot ng hanggang $980-milyon ang utang ng Pilipinas sa China sa pagtatapos ng 2018.

Nauna ng nagbabala ang ilang kritiko at taga-oposisyon dahil sa banta na kunin ng Beijing ang mga likas na yaman ng bansa kapag nabigo ang Pilipinas na makapag-bayad sa inutang nito.

Kinuwestyon din ng ilan ang Kaliwa Dam na popondohan ng China dahil nakapaloob daw sa kasunduan nito ang papayag ng pamahalaan na kunin ng Beijing bilang collateral ang patrimonial assests ng bansa.

Pero ayon kay BSP Deputy Gov. Diwa Guinigundo manageable ang kabuuang $79-biluon na external debt ng Pilipinas.

Ito’y dahil na raw sa magandang credit rating ng bansa sa nakalipas na loan deals nito.

“Our credit rating captures the essence of our economic reality; and what kind of management capacity can we show to the world,” ani Guinigundo.

“All I can say is that on the basis of those loans contracted, there is no collaterals there and if there are issues between two parties, including the Philippines, all of these are subject to arbitration, dagdag nito.