CAGAYAN DE ORO CITY – Tuloy-tuloy ang malawakan na paghahanap hindi lang ng Police Regional Office 10 intelligence operatives subalit maging ang ibang counterparts ng Philippine National Police na nakabase sa rehiyon ng Mindanao laban sa tatlong salarin na responsable pagpaslang kay radio broadcaster Juan Jumalon alyas DJ Johnny Walker sa bayan ng Calamba,Misamis Occidental.
Kaugnay ito sa ginawang murder case build up na kapwa ginawa ng Special Investigation Task Group (SITG) Johnny Walker at mga tauhan ng government prosecutor’s office ng probinsya upang managot ang utak ng kremin maging sa mga inutusan nito na paslangin si Jumalon.
Sinabi sa Bombo Radyo ni PRO 10 regional director Police Brigadier General Ricardo ‘Cardo’ Layug Jr na batay sa hawak nila na record,mayroong pending criminal warrant of arrests ang suspected trigger man o personalidad na pumasok sa announcer’s booth upang patayin ang biktima noong madaling araw na Linggo.
Dagdag ni Layug na nagsilbi nang inter-region ang paghahanap ng PNP sa mga responsable upang mahuli at gugulong na ang kasong murder na isinampa ng pamilya sa pisklaya ng Misamis Occicdental.
Napag-alaman na tumawag sa atensyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang walang kalaban-laban na nangyari kay Jumalon kaya ipinag-utos nito sa lahat ng law enforcement agencies na resolbahin agad ang panibagong kaso ng media killing sa bansa.