-- Advertisements --
Rep France Castro

Umapela ang Inter-Parliamentary Union (IPU) ng mabilis na aksyon sa naging reklamo ni House Deputy Minority Leader France Castro laban sa umanoy pagbabanta sa kaniya ni dating PRRD.

Ang Inter-Parliamentary Union ay binubuo ng 180 na bansa sa buong mundo na kinabibilangan ng Pilipinas.

Una nang naglabas ang IPU ng isang resolusyon sa ginanap nitong assembly sa Luanda, Angola.

Sa naturang resolusyon, nakasaad dito na dismayado ang Governing Council of the Inter-Parliamentary Union sa inasal ng dating pangulo ng bansa na umabot sa umano’y pagbabanta sa buhay ng isang miyembro ng Parliament(Rep Castro).

Nangangamba umano ang naturang grupo na ang naging pagbabanta ni dating PRRD ay maging dahilan ng pagtikom ng bibig ng iba pang mga mambabatas na magsalita.

Kasabay nito, nangako ang naturang grupo ng agarang tugon sa inihaing reklamo ni Rep Castro.

Maalalang noong Oktobre-24 rin ay naghain si Rep Castro ng kaso laban sa umano’y naging pagbabanta ni dating PRRD sa kanya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo sa naturang mambabatas, sinabi nitong nakababahala ang inasal ng dating pangulo at nais nitong mapanagot si Duterte sa kanyang pagbabanta laban sa kanyang buhay.