Siniguro ng pamunuan ng National Economic Development Authority ang pagtutok nito sa supply at presyo ng bigas sa merkado.
Ayon kay Socioeconomic Planning Sec. Arsenio Balisacan, ito ay isa sa mga pangunahing tinitingnan ng Inter-agency Committee on Inflation and Market Outlook, kasama na ang implikasyon ng paggalaw ng presyo ng iba pang mga pangunahing produkto.
Tinitingnan din aniya ng nasabing komite ang implikasyon ng ibat ibang mga kalamidad sa supply at presyo ng bigas sa bansa, kasama na ang mga bagyo, pagbaha, at El Nino.
Sa kasalukyan, tiniyak ng kalihim na mayroon pang sapat na supply ng bigas sa buong bansa, lalo na aniya at pumapasok din ang malaking bulto ng imported na bigas.
Nakahanda rin aniya ang pamahalaan na magbigay ng dagdag na tulong sa mga mahihirap, kung lalo pang tataas ang presyo ng bigas sa merkado.
Kung sakali namang magkaroon ng kakulangan, maaari ring irekomenda ng komite ang importasyon ng karagdagang supply.