Tinatayang P65 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang winasak matapos nakumpiska ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Ang pagwasak sa mga pekeng produkto sa Kampo Krame ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng Intellectual Property Rights Month.
Ayon sa mga kinatawan ng 12 ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng National Committee on Intellectual Property Rights, hindi nakakatulong sa ekonomiya ng bansa ang paglaganap ng mga counterfeit at pirated na mga produkto.
Para kay Atty. Ted Pascua ng Department of Trade and Industry, bilyon ang paggawa ng mga pekeng produkto na dapat masawata dahil malulugi ang gobyerno at nasasaktan din ang mga lehitimong negosyante.
Nangako naman ang Philippine National Police na sila ay nakahanda lagi na tumulong sa kampanya laban sa paglaganap ng mga pekeng produkto.
Noong nakarang taon ay sinasabing mahigit P23 billion na halaga ng mga counterfeit at pirated products ang winasak kung saan pinakamalaki ay ang sigarilyo at alak.
Kasama sa mga sinirang pekeng produkto ngayong 2019 ay ang mga sumusunod:
P 16,100,000.00 – LV wallets
P 15,820,000.00 – LV bags
P 10,120,000.00 – shoes (Adidas, Nike, Under Armor and Vans)
P 10,000,000.00 – Oppo phones & back cases
P 7,280,000.00 – LV cellphone cases
P 2,420,000.00 – LV notepad cases
P 1,800,000.00 – Rolex watches
P 1,000,000.00 – Lacoste shirts
P 370,000.00 – cigarettes
P 280,000.00 – LV belts
P 150,000.00 – LV money clips
P 58,500.00 – DVD
P 50,000.00 – Irwin tools brand cutting blades