Nakabantay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa sitwasyon ng bumagsak na bahagi ng Skyway Stage 3 Segment 2A sa Pandacan, Manila, na naapektuhan ng malaking sunog.
Ayon kay Anna Mae Lamentillo, chairperson ng Build Build Build Committee ng DPWH, nagsasagawa na ng imbestigasyon at assessment ang kanilang tanggapan para mabatid ang lawak ng pinsala.
Magugunitang bumigay ang parte ng tulay na inabot ng sunog na tumupok sa warehouse ng planta ng plastic na pag-aari ng San Miguel Corporation.
Marami ang nabahala nang makita ang pagbagsak ng parte ng Skyway dahil maaring makaapekto ang sunog sa structural integrity.
Nabatid na bahagi ang Skyway ng priority projects ng gobyerno para maibsan ang mabigat na problema sa trapiko ng Metro Manila.