-- Advertisements --
Tinambakan ng Oklahoma City Thunder ang Denver Nuggets 125-93 sa Game 7 ng Western Conference Semifinals.
Sa simula pa lamang ng laro ay naging agresibo ang OKC.
Hindi naman pinahiya ng OKC ang mga fans nila sa sariling court.
Nanguna sa panalo ng OKC si Shai Gilgeous-Alexander na nagtala ng 35 points, apat na assists, tatlong rebounds, tatlong steals at isang block.
Habang mayroong 24 points, pitong assists, limang rebounds at steal si Jalen Williams.
Naging matindi ang ipinakitang depensa rin ng OKC laban kay Nikola Jokić kaya nalimitahan ang kaniyang galaw.
Makakaharap ng Thunder ang Minnesota Timberwolves para sa Western Conference Finals na magsisimula sa araw ng Miyerkules.