Tuloy-tuloy na rin umano ang pag-recover ng mga insurance companies na labis din nalugmok matapos tumama ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Deputy Insurance Commissioner Erickson Balmes, bilang regulatro, sinabi nitong nasa recovery stage na raw ang mga insurance companies na apektado ng pandemya.
Bilang patunay daw ay karamihan sa mga insurance companies ay naka-comply na sa batas na nagmamandato sa pagtaas ng capitalization sa P1.3 billion sa December 31, 2022.
Una rito, sinabi ni Balmes na naibigay na raw ng mga insurance industry ang nasa P21 billion na halaga ng COVID-19 related life at non-life insurance claims mula nang pumutok ang pandemic hanggang noong buwan ng Hunyo.
Sinabi ni Balmes na bukod pa raw ito sa iba pang claims.
Ayon naman kay Insurance Commission Spokesperson Alwyn Villaruel, sa naturan halaga nasa 19 percent o P3.89 billion ay inilabas noong 2020 habang ang 61 percent o nasa 12 billion ay nabayaran naman noong 2021.
Ang 20 percent naman o katumbas ng P4.11 billion ay nakuha na sa first half ng 2022.
Karamihan naman sa mga claims ay na-charge laban sa life insurance companies na nasa P11.72 billion at health maintenance organizations na mayroong P7.65 billion.
Sa ilalim ng Under Republic Act 10607 o ang Insurance Code, ang mga insurers ay kailangang magkaroon ng net worth na kahit P250 million noong June 30, 2013, P550 million noong December 31, 2016, P900 million noong December 31, 2019 at P1.3 billion pagsapit naman ng December 31, 2022.