-- Advertisements --

Inabisuhan ngayon ng mga kinauukulan ang publiko, partikular na ang mga magulang hinggil sa ibayong pag-iingat sa kanilang mga anak ngayong summer season na panahon para sa mga beach trips at swimming getaways.

Ito ay matapos na maitala ng mga kinauukulan ang tumataas na bilang ng mga insidente ng pagkalunod sa bansa partikular na sa mga bata.

Ayon sa World Health Organization, sa nakalipas na sampung taon, isa ang insidente ng pagkalunod sa mga pangunahing nagging sanhi ng pagkasawi ng mga bata na may edad na iisa hanggang apat na tong gulang.

Habang sa datos naman ng Philippines Statistics Authority ay nakapagtala ito ng nasa 3,576 na mga kaso ng drowning incident sa bansa noong taong 2022, kung saan nakitaan naman ng pinakamataas na kaso ay mga buwan ng Marso hanggang Abril.

Kaugnay nito ay napag-alaman din sa isang survey na isinagawa noong taong 2019 na marami sa mga Pilipino ang hindi marunong lumangoy na posibleng dulot naman ng mahal na singil sa mga formal swimming lessons at maging ang kakulangan ng swimming facilities ng bansa.

Samantala, dahil dito ay patuloy na pinapayuhan ngayon ng mga otoridad ang publiko na mag-doble ingat ngayong summer season lalo na sa mga kababayan nating nagpaplanong mag-swimming sa dagat, ilog, at maging sa mga resort sa kasagsagan ng kanilang summer vacation.