-- Advertisements --
bilibid 1

Pinahintulutang makabisita ngayong Kapaskuhan sa kani-kanilang mga mister sa New Bilibid Prison ang mga inmate sa Correctional Institution for Women.

Ito ay upang mabigyan muli ng pagkakataon ang mga magkakabiyak na bilanggo na magkita para sa diwa ng Pasko.

Ayon kay Bureau of Correction spokesperson Sonny del Rosario, nasa 35 mga babaeng persons deprived of liberty (PDL) ang binigyan ng permiso na makabisita sa kanilang mga asawa na bilanggo naman sa national penitentiary.

Ngunit nakasaad naman sa abisong inilabas ng bureau ay muli pa rin itong nagpaalala hinggil sa mga panuntunan at patakaran na mahigpit na ipinapatupad sa mga nagnanais na bumisita rito.

Samantala, matatandaan na una rito ay nagkaroon na rin ng pagpupulong ang pamunuan ng BuCor sa Commission on Human Rights para naman pag-usapan ang mga karapatan na mga bibisitang kaanak ng mga bilanggo sa Bilibid.