-- Advertisements --

May epekto sa presyo at suplay ng poultry sa bansa ang nararanasang mainit na panahon.

Sinabi ni Bong Inciong ang pangulo ng United Broiler Raisers Association na isang malaking hamon ngayon lalo na pagdating ng Abril hanggang Mayo kung saan tiyak na magiging mataas ang temperatura.

Ilan sa mga pansamatalang ginagawa nila ay ang paglalagay ng mga electric fans sa mga kulungan ng manok para makatulong na maibsan ang init.

Sa kasalukuyan kasi ay aabot sa P200 kada kilo ng manok na tumaas ng P20 sa kada kilo sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Ilan sa mga naging problema na nakita ni inciong ay ang pagtaas ng presyo ng mga patuka.