Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang information system para sa data collection sa layong ma-improve pa ang paghawak sa mga kaso sangkot ang mga menor de edad na law offenders.
Ito ay ang National Juvenile Justice and Welfare Management Information System (NJJWMIS)
Ang naturang sistema ay centralized information management system para sa pagkalap at pagproseso ng mahahalagang impormasyon ng mga minors na at risk at law offenders na mahalaga para sa pagtuloy kung anong ang angkop na programa at interventions para sa mga minor offenders at sa kanilang pamilya.
Ayon pa sa DSWD, makakatulong ito para magarantiya na nakakatanggap ng sapat at tamang intervention programs ang minor offenders para makabalik ang mga ito sa tamang landas at maging mabuting miyembro ng ating komunidad.
Una ng nalikha ang natutang information system noong 2016 salig sa Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act while adhering to the Data Privacy Act of 2012.
Subalit limitado lamang ang mayroong access dito para matiyak ang seguridad ng mga impormasyon kabilang dito ang social workers ng lokal na pamahalaan, social workers ng DSWD at police officers.