-- Advertisements --

Inanunsyo ni Lebanon information officer Manal Abdel Samad na magbibitiw na ito sa kaniyang pwesto sa kabila ng lumalalang galit ng publiko sa Lebanese government.

Ang desisyong ito ni Samad ay dahil na rin daw sa kagustuhan ng mga raliyista ng pagbabago sa kanilang gobyerno.

Sa ngayon kasi ay nagpapatuloy pa rin ang sagupaan sa pagitan ng mga otoridad at mga raliyisrta matapos ang nangyaring pagsabog na yumanig sa Beirut.

Batay pa sa mga naglabasang reports, bumaba na rin sa pwesto si Environment Minister Damianos Kattar.

Kaagad ding nagbitiw sa pwesto si Foreign Minister Nassif Hitti isang araw matapos isagawa ang kilos-protesta dahil sa trahedya.

Inaasahan na ang krisis na hinaharap ngayon ng Lebanese government ay mas lalong magpapalala sa political turmoil ng bansa.