Umapela ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGUs) na mas paigtingin pa ang information drive nito para kumbinsihin ang mas marami pang Pilipino na magpabakuna laban sa coronavirus disease.
Ito’y matapos aminin ni DILG Usec. Jonathan Malaya na isa sa pinakamalaking pagsubok para sa mga LGU’s ay ang mababang demand sa COVID-19 inoculation drive ng kanilang mga residente.
Ayon kay Malaya, ang mababang demand para sa COVID-19 vaccination drive ay dahil na rin sa mga hindi bereipikado at negatibong impormasyon na nakukuha ng publiko mula sa social media.
Dapat aniya na ang gawing mensahe para sa mga Pilipino ay lahat ng bakuna na aaprubahan ng pamahalaan ay dumaan sa tamang proseso.
Kailangan umanong malaman ng publiko na dumaan sa panels of experts ang mga COVID-19 vaccine bago makakuha ng approval mula sa Food and Drug Administration (FDA) para siguruhin ang pagiging ligtas at epektibo nito.
Subalit nais ni League of Municipalities (LMP0 president at Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson na unang magpabakuna so Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III bago pumayag ang publiko na magpabakuna.