-- Advertisements --

Pumanaw na ang influential English guitarist na si Jeff Beck sa edad 78.

Ayon sa pamilya nito na nalagutan na siya ng hininga sa kaniyang bahay matapos na dapuan ng bacterial meningitis.

Naging dalawang beses itong kinilala bilang Rock & Roll Hall of Fame siya.

Una ay noong 1992 noong siya ay kasama sa bandang the Yardbrids noong 2009 at pangalawa noong nagsolo na siya noong 2015.

Inilabas niya noong nakaraang taon ang huling album niya na “18” na may laman na 13 kanta na karamihan ay cover songs kasama ang actor na si Johnny Depp.

Isang native ng Wallington, England na unang nagwagi ng kaniyang Grammy awards noong 1985 dahil sa instrumental na “Escape”

Nagpaabot naman ang ilang mga kilalang singer matapos na mabalitaan ang pagkasawi ni Beck.

Una ay si Tony Lommi ang gitarista ng Black Sabbath kung saan siya ay nabigla ng marinig ang balita.

Sa kaniyang social media ay nagbigay tribute naman si Led Zeppelin guitarist Jimmy Page na dati ring miyembro ng Yardbirds.