Bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa o inflation rate sa nakalipas na buwan ng Pebrero.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 3.4% ang inflation, mas mabilis ito kumpara sa 2.8% na naitala noong Enero 2024.
Pasok ito sa 2.85 hanggang 3.6% forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Paliwanag ni National Statistician Undersecretary Dennis Mapa na ang pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation sa nakalipas na buwan ay ang mas mataas na inflation sa pagkain at non-alcoholic beverages na naitala sa 4.6% noong Pebrero mula sa 3.5% noong Enero 2024.
Tumaas din ang halaga ng transportasyon ng 1.2% noong Pebrero mula sa 0.3% noong Enero.
Gayundin ang housing, tubig, kuryente, gas at iba pang presyo ng langis ay tumaas sa 0.9% noong Pebrero mula sa 0.75 noong Enero na nag-ambag sa mas mabilis na inflation.