-- Advertisements --

Inaasahang bababa ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Pilipinas ngayong Abril ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nakikitang aabot sa 6.3% hanggang 7.1% ang inflation ngayong buwan, mas mabagal ito kumpara sa naitalang 7.6% noong Marso ng kasalukuyang taon.

Ang forecast na ito ng BSP ay kasunod na rin ng tapyas sa singil sa kuryente, presyo ng mga isda at gulay at LPG.

Bagamat inaasahan aniya ang upward price pressures dahil sa mas mataas na domestic petroleum prices, pagtaas ng presyo ng bigas at karne at paghina ng halaga ng Philippine peso.

Sa kabila nito, tiniyak ng BSP na nakahanda ito na tumugon sa mataas na inflation.

Pinanatili naman ng pamahalaan ang target na mapabagal ang kabuuang inflation ngayong taon sa 2% hanggang 4%.