-- Advertisements --
image 183

Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP0 na maibabalik sa 2% hanggang 4% na target range ang inflation sa bansa o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa huling quarter ng 2023.

Sa isinagawang Philippine Economic Briefing, binigyang diin ng bagong talagang BSP Governor na si Eli Remolona ang strong recovery ng bansa mula sa pandemiya gayundin ang flexible inflation targeting framework nito na nakatutok sa price stability.

Aniya, ang 2-4% ay idela para sa ekonomiya gaya ng Pilipinas na patuloy na lumalago.

Ang matatag din aniya na bangking system ng bansa ang umalalay sa pagrekober ng Pilipinas mula sa isa sa mga bansang nagpairal ng pinakamahabang lockdown sa buong mundo dahil sa covid-19.

Matatandaan na bahagyang bumagal ang inflation noong buwan ng Hunyo sa 5.4% mula sa naitalang 6.1% noong Mayo.

Top