-- Advertisements --
image 160

Humiling si House Speaker Martin Romualdez sa mga Pilipino ng kaunti pang pasensya kaugnay sa pagpalo ng inflation rate sa 6.9 percent noong buwan ng Setyembre.

Ayon kay Romualdez, tinutugunan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isyu ng inflation.

Iginiit pa nito na ang pagtaas ng inflation ay bunsod karamihan ng external factors gaya ng pagtaas ng dolyar kontra piso, pagsipa sa presyo ng krudo sa world market, at disruption sa supply chain dahil pa rin sa COVID-19 pandemic, at Russia-Ukraine Crisis.

Tiniyak naman nito na may hakbang na ginawa ang pamahalaan upang maibsan ang epekto nito sa presyo ng bilihin at serbisyo.

Hindi umano papayag si Pangulong Marcos na may madagdag pa sa bilang ng mga mahihirap na Pilipino.

Magugunitang, kamakailan lamang nang ilabas ng Philippine Statistics Authority na pumalo sa 6.9 percent ang inflation rate noong buwan ng Setyembre, pinakamataas sa nakalipas na apat na taon.