-- Advertisements --
image 58

Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority ng mas mabagal na inflation ng Pilipinas sa buwan ng Hunyo 2023.

Ito ang ikalimang oras na ang inflation ay dumulas mula sa isang peak na 8.7% noong Enero.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, mula sa dating 6.1% na una nang naitala noong Mayo ay bumagal na lamang sa 5.4% ang naitalang inflation rate nitong buwan n Hunyo, na nagdadala sa kabuuang year-to-date inflation rate sa 7.2%.

Paliwanag ng PSA, ang mga datos na ito ay naitala kasunod ng naobserbahang mas mabagal na paggalaw sa mga presyo ng pagkain, transportasyon, at utility.

Kung maaalala, ang inflation rate ng nakaraang buwan ay nasa loob ng forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 5.3% hanggang 6.1%