-- Advertisements --
Tinatayang aabot pa sa 5.7% ang inflation rate sa Pilipinas sa pagsapit ng kalagitnaan ng taon.
Sa pagsusuri ng ekonomistang si Ruben Asuncion, posibleng maging dahilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mataas ng presyo ng pagkain, lalo na sa Metro Manila.
Pero malayo ang pagtataya ni Asuncion sa 2% hanggang 4% na projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong nakaraang buwan.
Matatandaang noong Abril, nasa 4.9% na ang Inflation rate sa Pilipinas na pinakamataas sa nakalipas na tatlong taon.
Sinasabing malaking dahilan dito ang nangyaring surge ng COVID-19 at maging ang external factors.