Inaasahang mananatiling mataas ang inflation o rate ng pagtaas sa presyo ng goods at services sa mga nalalabing buwan pa o huling quarter ng taong 2022 dahil sa mataas na transport at food cost gayundin ang pressure dala ng mahinang halaga ng philippine peso at pinsala sa crop sector dahil sa bagyong Karding.
Ayon sa Department of Finance (DOF), nakikitang papalo ang inflation sa 4.5% hanggang 5.5% assumption ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa 2022.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang risk ng nakaambang inflation sa nalalabing buwan mula ngayong Oktubre hanggang Disyembre ay mula sa food products kayat asahan na patuloy na tataas ang Food prices.
Inirekomenda naman ng DOF para matugunan ang inflation ay ang patuloy na napapanahong pagpapatupad ng mga hakbang ng gobyerno na mahalaga para mapahupa ang impact ng patuloy na impact nito sa suplay ng pagkain at iba pang presyo ng mga commodities.
Dagdag pa dito, sinabi ng ahensiya na pinaigting na ng gobyerno ang kanilang mga ginagawang hakbangin para makatulong na mapataas ang domestic supply sa pamamagitan ng pagpapalakas ng local production at pag-aangkat ng kinakailangang commodities.
Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang Davao at Zamboanga Peninsula regions ang may pinakamataas na inflation rate na nasa 9.6%.