Iniulat ng Philippine Statistics Authority na bumilis ng hanggang 5.3% ang naitalang inflation rate sa bansa nitong buwan ng Agosto 2023.
Mas mataas ito kumpara sa 4.7% na una nang naitala ng kagawaran noong buwan ng Hulyo.
Ngunit ang naturang datos ay nananatili pa rin sa 4.8% hanggang 5.6% na una nang iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipnas sa inilabas na forecast nito.
Kung maaalala, una na ring ipinaliwanag ng BSP na ang nararanasang mga weather disturbances, mataas na presyo sa produktong petrolyo, at maging ang mga suliranin sa trasportasyon, at marami pang iba ay ang nagsasanhi ng pagbilis ng naitatalang inflation sa bansa.
Matatandaan ding una nang itinaas ng bangko sentral sa 5.6% ang inflation forecast nito ngayong taon mula sa dating 5.5%, habang tumaas din sa 3.3% ang inaasahang inflation sa susunod na taong 2024 mula sa una nang 2.8% na iniulat nito.