Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas na posibleng pumalo sa 4% hanggang 4.8% ang domestic inflation rate ng bansa para sa buwan ng Nobyembre 2023.
Ito ay mas mabagal kumpara sa 4.9% na naitala noong buwan ng Oktubre.
Ayon sa Bangko Sentral, ang mas mataas na presyo ng ilang mga agricultural items, kasama ang power at toll rates sa bansa ay isa sa mga nakikitang dahilan ng inaasahang mas pagbagal pa ng inflation sa bansa.
Habang ang pagtaas naman ng presyo ng liquefied petroleum gas ay tinatayang isa rin sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo noong Nobyembre.
Kung maaalala, noong buwan ng Oktubre 2023 ay nakapagtala ng pagbaba sa domestic inflation rate ang mga kinauukulan matapos ang pagtaas nito sa nakalipas na dalawang buwan kung saan nakitaan ng pagtaas ang presyo ng ibang mga pangunahing bilihin, tulad ng bigas, karne, at ilang gulay.