Positibo ang pananaw ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association na babagal ang inflation rate nitong Oktubre 2023.
Sa kabila ito ng mahal pa ring mga bilihin sa pamilihan at mataas na halaga ng serbisyo sa iba’t-ibang sektor.
Para sa lider ng business group na si Steven Cua, ang mga presyo ng mga produkto sa supermarkets ay nananatiling matatag at may ilan pang nagbababa ng presyo.
Mayroon ding nagpatupad ng promo sale na higit na tinangkilik ng mga tao.
Naniniwala si Cua na malaking tulong ang ginawa ng pamahalaan na panatilihing mababa ang presyo ng mga bilihin at palakasin pa ang pagbebenta ng local products kaysa sa mga inaangkat na produkto, maliban pa sa price cap sa bigas habang hindi pa nagsisimula ang anihan.
Sang-ayon din umano ang kanilang organisasyon sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posibleng maglalaro sa 5.1% hanggang 5.9% ang inflation sa buwan ng Oktubre, kumpara noong Setyembre na nasa 6.1% naman ang nai-record.
-- Advertisements --