-- Advertisements --
crowd people market residents COVID soria 265x198 1

Posible raw na maglaro ang inflation ngayong buwan ng Nobyembre sa pagitan ng 7.4 percent hanggang 8.2 percent range.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas think tank, posible raw na lumagpas pa sa 7.7 percent ang inflation sa mga nakaraang mga buwan.

Noong nakaraang buwan, ang consumer price index ay asahan ding manatili sa 2 hanggang 4 percent target range.

Ang upward price pressures ay mula sa mas mataas na electricity rates, mas mataas na agricultural commodities dahil sa Tropical Storm Paeng maging sa mas mataas na presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Samantala, ang reduction sa petroleum at pork prices maging ang mas malakas na halaga ng piso laban sa US dollar ay posibleng mag-offset sa price pressures para ngayong buwan.

Ngayong buwan ng Nobyembre, nagpatupad ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng 75-basis points interest rate hike para mapantayan ang US Federal Reserve, mapababa ang inflation at ma-stabilize ang peso.

Nagdala ito ng benchmark borrowing rate sa 5 percent.