-- Advertisements --
Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang inflation rate nitong Pebrero ay hindi lalayo sa mula 2.8 percent hanggang 3.6 percent.
Ang nasabing prediction na ito ng BSP ay sako pa rin ng kanilang inflation target na 2 hanggang 4 percent sa unang quarter ng 2024.
Ang patuloy aniya na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain gaya ng bigas, karne at isda ay siyang nakita nilang pangunahing dahilan na magtutulak ng inflation ng pataas.
Kasama rin ito ang pagtaas ng petrolyo at ang pagtaas ng singil sa kuryente.