Inaasahang mag-peak sa 8% ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin sa bansa sa huling quarter ng taong 2022 ayon sa Rizal Commercial Banking Corporation chief economist Michael Ricafort .
Nitong huwebes, itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa 5.8% mula sa 5.4% ng average inflation forecast para ngayong taon at sa 4.3% naman mula sa dating 4% sa 2023 forecast sa gitna na rin ng nakikitang pagpapatuloy ng pagsipa ng inflation.
Ang upward adjustments na ito ng BSP sa average inflation para ngayong taon at sa susunod na taon ay inaasahang panibagong sinyales sa posibilidad ng pagtatas pa sa key rates ng central bank.
Una ng tinaasan din ng policy-making Monetary Board ng BSP ang key rates nito sa 0.75% para matapatan ang key rates adjustment ng US Federal Reserves.
Paliwanag naman ni BSP Goveror Felipe Medalla ang kahalagahan ng intrest rate differential sa pagitan ng US at Pilipinas para matugunan ang epekto ng mas malakas na halaga ng dolyar sa Philippine peso at masiguro ang price stability.










